TOTOO BA NA ANG BATANG LAGING KINAKARGA KAPAG UMIIYAK ANG MAGIGING SPOILED?
- Dr. Janesa Valerie Reyes

- Jul 15, 2020
- 1 min read

Totoo ba na ang batang laging kinakarga kapag umiiyak ay magiging spoiled?⠀
⠀
Hindi po. Ang pagiyak po ng baby ay isa sa mga ways nila na makipagcommunicate sa atin. May iba't ibang reasons kung bakit sila umiiyak.⠀
⠀
Hungry na⠀
May ihi or poops sa diaper⠀
Gusto magpakarga⠀
Masama ang pakiramdam⠀
⠀
Kapag umiiyak si baby, pwedeng icheck muna ang mga reasons kung bakit siya umiiyak. May mga times na baka gusto lang niya magpakarga dahil gusto niyang ma-feel ang warmth ng mommy or daddy niya. Ang warmth na ito ay nagbibigay ng comfort sa kanya. ⠀
⠀
What is important is we give them the attention that they need whenever they need it. Dahil dito madedevelop ni baby ang TRUST sa atin na safe siya kapag kasama niya tayo. Ito ay ang tinatawag na ATTACHMENT na very important na madevelop ni baby sa kanyang parents or caregiver. ⠀
⠀
I hope nakatulong po ang post na ito. ☺️🩺👩🏻⚕️
⠀
If you find this post helpful, pa-like and share po. Salamat ☺️

Comments